paraluman Posted May 16, 2009 Posted May 16, 2009 Wala lang, parang wala kasing nangyayari sa grupong 'to. Sige, para mayroon tayong maaaring pag-usapan dito. Paano ninyo nadiskubre ang Muse? Ako? 2004 nun...mga 14 pa lang ako. May mga nakakachat ako na kapwa Incubus fans na Pinoy doon sa isang forum na may hangover pa rin doon sa March 12 concert. Tas palagi nilang napag-uusapan yung Muse. Ang galing daw, wow, pakinggan mo. So sige. Nacurious ako, so nagdownload ako, sige, nagustuhan ko naman yung mga napakinggan ko, lalo na yung TIRO. It wasn't until September that year nung may nakita akong Absolution CD sa Music One (or Tower Records ba yun 'nun?) sa Megamall. Haha, nasa akin pa rin yung price tag nun ngayon. Pagdating ko sa bahay pinakinggan ko agad, from start to finish. And then the rest was history.
pritijes Posted October 5, 2009 Author Posted October 5, 2009 Hmmmmm, nitong May 2009 lang. May provincial duty kasi ako, hindi ako nagdorm so everyday 2 hours drive ako. Kaya nagtanong ako ng magandang kanta sa kapatid ko, binigay niya yung MotP. Pero hindi pa ako masyadong na-hook nun dahil busy-busyhan ako sa school. Last month ko lang na-torrent yung lahat ng albums nila. Super naaddict na ako. Binura ko na halos half ng contents ng music library ng phone ko para lang magkasya yung songs and videos nila )
pritijes Posted October 5, 2009 Author Posted October 5, 2009 Oh, i almost forgot. San pa meron CD nila? Sa fully booked boni high kasi OoS, Absolution, BH&R tsaka HAARP lang meron
paraluman Posted October 5, 2009 Posted October 5, 2009 Whaaaaaaaaaaat may oos sa fb?!?! I must procure a copy!!!!!!%$$#%%^@^&%$#
paraluman Posted October 5, 2009 Posted October 5, 2009 I got BH&R and Abso here in 2006 and 2004 respectively and HAARP from HK. Sana magka The Resistance naaaa!
pritijes Posted October 6, 2009 Author Posted October 6, 2009 Yeah. 750 lang. Very affordable Sa november ko pa makukuha yung copy ko ng The Resistance dahil sa US ako nagpabili. Sana november 17 na. Heheh
Recommended Posts